Thursday, May 7, 2009

Ang Kaligtasan at Pagiging Kasapi ng Iglesia

Ang Dios ang gumagawa ng pagliligtas. Ang kaligtasan ang paglimot at pagpapatawad ng Dios – ang “pagpawi” sa ating mga kasalanan. Ang Iglesia, samakatuwid, ay hindi siyang nagkakaloob ng kaligtasan. Ang tanong ay, maari bang matamasa ng isang indibidwal ang kaligtasang ipinagkaloob ng Dios kahit siya ay nasa labas ng Iglesia ng Ating Panginoon?

Ayon sa mga nasusulat sa banal na kasulatan o sa Bibliya, ang kahalagahan ng Iglesia ay makikita natin sa uri ng pagtratong inukol ni Hesus dito. Ang Iglesia ay lubos niyang iniibig kung kaya’t ito’y kanyang tinubos, “Na inyong nalalamang kayo'y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang; Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga'y ang dugo ni Cristo:” (Acts 20:28; 1 Peter 1:18-19). Ang dugo ng ating Panginoon, ang dalisay Niyang dugo na siyang umagos sa krus ng Kanyang kamatayan ang siyang naging katubusan ng Iglesia para sa ikaliligtas natin. At dahil din sa pag-ibig Niya sa Iglesia kung kaya’t nagawa Niyang ipagkaloob ang Kanyang sariling buhay, “…gaya naman ni Cristo na umibig sa iglesia, at ibinigay ang kaniyang sarili dahil sa kaniya;” (Ephesians 5:25). Sa mga pagpapasakit na ito ng ating Panginoong Hesus sa Iglesia ating lubos na mauunawaan na ito ay tunay na mahalaga.

Tahasang itinuturo ng Bibliya na hindi maaaring sabihin ng isang indibidwal na siya ay nakay Cristo habang siya’y nananatili sa labas ng Iglesia. Si Cristo ang Ulo, ang Iglesia ang Kanyang katawan, ang mga Kristiayano ang mga kumakatawan (Colossians 1:18; Ephesians 1:22-23; 1 Corinthians 12:27). Ang isang indibidwal ay hindi maaaring mapag-isa sa Ulo nang hindi nagiging kasapi ng katawan na siyang Iglesia. Si Cristo ang Hari at ang Iglesia ang Kaniyang kaharian (1 Timothy 6:15; Colossians 1:13). Ang isang indibidwal ay hindi maaaring maging tagasunod ng Hari hangga’t ito ay hindi nagiging mamamayan ng kaharian. Si Cristo ang asawang lalake at ang Iglesia naman ang asawang babae (Ephesians 5:23-32). Ang dalawa ay iisa. Ang isang indibidwal ay hindi maaring magkaroon ng relasyon kay Cristo nang hindi nagkakaroon ng kaparehong relasyon sa Iglesia. Ito ay kahalintulad ng isang sanggol na naipanganak na kung saan tahasang masasabi na ang sanggol ay parehong bunga ng kanyang ama at ina. Upang masabi nating tayo ay nakay Cristo kinakailangan nating maging kaanib sa Kanyang katawan, na siyang Iglesia. “Datapuwa't ngayon kay Cristo Jesus kayo na noong panahon ay nalalayo ay inilapit sa dugo ni Cristo… At upang papagkasunduin silang dalawa sa isang katawan sa Dios sa pamamagitan ng krus, na sa kaniya'y pinatay ang pagkakaalit” (Ephesians 2:13; Ephesians 2:16). Sa madaling salita, upang tayo ay maging nakay Cristo, kinakailangang tayo ay nasa Kanyang katawan, at kapag tayo ay nasa Kanyang katawan nangangahulugan na tayo ay nasa Kanyang Iglesia.

Lahat ng pagpapalang ukol sa espiritu ay nakay Cristo Hesus (Ephesians 1:3). Ang Iglesia ay siyang kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat (Ephesians 1:23). Ang pagiging kasapi ng Iglesia ng ating Panginoong si Hesus ay nangangahulugan ng pagpapatala natin ng ating pangalan sa langit, “Datapuwa't nagsilapit kayo sa bundok ng Sion, at sa bayan ng Dios na buhay, ang Jerusalem sa kalangitan, at sa mga di mabilang na hukbo ng mga anghel, Sa pangkalahatang pulong at iglesia ng mga panganay na nangatatala sa langit, at sa Dios na Hukom ng lahat, at mga espiritu ng mga taong ganap na pinasakdal” (Hebrews 12:22, 23). Kapag ang ating pangalan ay hindi nakatala sa langit ito ay nangangahulugan ng habang panahong pagkabulid sa dagatdagatang apoy (Revelation 20:15).

Ang mga proseso at mga kondisyon na nagliligtas buhat sa pagkakasala ay siya ring kinakailangan ng isang indibidwal upang ito ay maging Kristiyano at maidagdag sa Iglesia. “At sinabi niya sa kanila, Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal. Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan… Sapagka't kayong lahat ay mga anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus. Sapagka't ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo… Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa… Na nangagpupuri sa Dios, at nangagtatamo ng paglingap ng buong bayan. At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas” (Mark 16:15-16; Galatians 3:26-27; Acts 2:41). Ayon sa Bibliya: ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; sa pamamagitan ng pananampalataya at bautismo ay ibinibihis natin si Cristo; ang nananampalataya at nabautismuhan ay idinaragdag ng Panginoon sa Iglesia.

Ulitin po natin, upang masabi nating tayo ay nakay Cristo, kinakailangang tayo ay nasa Kanyang katawan, at kapag tayo ay nasa Kanyang katawan nangangahulugan na tayo ay nasa Kanyang Iglesia. Opo, napakahalaga pong maging kasapi ng Iglesia sapagka’t atin laman makakamtan ang kaligtasang ipinagkaloob ng Dios kapag tayo ay kasapi ng Iglesia, “gaya naman ni Cristo na pangulo ng iglesia, na siya rin ang tagapagligtas ng katawan.” (Ephesians 5:23).

Ang Kahalagahan ng Pagiging Kasapi ng Iglesia ng Ating Panginoong Hesus

Sa gagawin nating pagsaliksik sa aralin natin ngayon ating aalamin ang kahalagahan ng pagiging kasapi ng tunay na Iglesia n gating Panginoong Hesucristo. Katotohanan na ang Iglesia ng ating Panginoon ay mayroong dapat na kalagyan sa ating mga puso ngunit ito ay kadalasang niwawalang bahala ng mga tao hanggang sa lubos nilang maunawaan na kapag ang tao ay nananatili sa labas ng Iglesia ay hinahayaan nilang makahulagpos ang dakilang kaligtasan na ipinagkaloob sa atin ng ating Dios at ang pag-asa ng buhay na walang hanggan. Ang iglesia ay tunay na higit na mahalaga kahit sa anumang institusyon na likha ng tao dahil sa mga sumusunod na kadahilanan.

Una, ang Dios ang nagtayo kung kaya’t ito ay banal (Hebrews 3:4). Ang iglesia ay tinutukoy na Templo ng Dios at siyang tahanan Niya (1 Corinthians 3:16; Ephesians 2:19-22). Dapat din nating maunawaan na ang iglesiang ito na ating tinutukoy ay itinayo ng ating Panginoong Hesus nang naaayon sa kagustuhan ng Dios (Matthew 16:18-20; Hebrews 8:1-5). Kung kaya’t ang tao ay mag-ingat sa kanyang pagtatayo sapagka’t nasusulat na “Malibang itayo ng Panginoon ang bahay, walang kabuluhang nagsisigawa ang nagtatayo…” at hindi kinikilala ng Dios ang anumang hindi Niya pag-aari (1 Corinthians 3:10-15; Psalms 127:1; Matthew 15:13).

Ikalawa, maliwanag na ipinahahayag ng mga banal na salitang naipagkaloob sa atin, na ating matutunghayan sa Bibliya, na si Cristo and Tagapagligtas at Pangulo ng Iglesia. Anong sarap panghawakan ng isang pag-asa na nagsasaad na mayroong isang pangulo na siyang magliligtas sa bawat tatalima at mananahan sa tunay na Iglesia. Nais kong maging kasapi ng Iglesia ni Cristo sapagka’t ipinagkaloob ni Cristo ang Kanyang sariling buhay para dito (Ephesians 5:25-27). Siya rin ang isinasaad ng Bibliya na tagapagligtas ng katawan, na ang katawang ito na tinutukoy ay ang Iglesiang Kanyang itinatag (Ephesians 5:23, Ephesians 1:22-23). Si Cristo rin ang siyang Pangulo ng katawan, “At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia…” (Colossians 1:18; Ephesians 1:22). Para sa mga kasapi ng Kanyang Iglesia, si Cristo ang Siyang kumakatawan sa kanila sa langit, siya ang tagapamagitan nila sa Ama (Hebrews 10:19-25; 1 John 2:1-2).

Ikatlo, ang Iglesia ng ating Panginoong Hesus ay nagtataglay ng isang maluwalhating misyon. Ang Iglesiang ito ay tumatakbo sa disenyong naglalayong magligtas ng mga kaluluwa sa pamamagitan ng pangangaral ng Ebanghelyo ni Cristo sapagka’t ang Iglesia ay itinuturing ding “haligi at suhay ng katotohanan” (1 Timothy 3:14-15). Sa Iglesia din nagmumula ang mga mangangaral na naghahatid ng magandang balita sa mga nais makaalam ng katotohanan at nagnanais magsitawag sa pangalan ng Panginoon para sa kanilang kaligtasan (Romans 10:11-15; Acts 13:1-3). Sa pamamagitan din ng Iglesia ay naipapakilala ang kapuspusan ng karunungan ng Dios; at dito rin natin naibibigay an gating karampatang pagluwalhati sa Kanya (Ephesians 3:10, 21).

Bilang panghuli, lahat ng mga pagpapalang ukol sa espiritu ay matatagpuan natin sa loob ng Iglesia lamang sapagka’t ang Iglesia ay siyang “…kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat” (Ephesians 1:23). Lahat ng pagpapalang ukol sa espiritu ay nakay Cristo, ang katawan ni Cristo at ang Iglesia ay iisa, si Cristo at ang Iglesia ay hindi maitatwang pinag-isa; samakatuwid sa pamamagitan ng Iglesia ay matatamasa natin ang lahat ng pagpapalang ukol sa espiritu na ipinagkakaloob sa atin ni Hesucristo (Ephesians 1:3; Ephesians 1:22-23; Colossians 1:18; Ephesians 5:28-32). Tayo rin ay pinapagkasundo sa Dios sa loob ng katawan ni Cristo, na siyang Iglesia: “At siya ang ulo ng katawan, sa makatuwid baga'y ng iglesia; na siya ang pasimula, ang panganay sa mga patay; upang sa lahat ng mga bagay, ay magkaroon siya ng kadakilaan. Sapagka't minagaling ng Ama na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya; At sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kaniyang krus; sa pamamagitan niya, sinasabi ko, maging mga bagay sa kalupaan, o mga bagay sa sangkalangitan.” (Ephesians 2:16; Colossians 1: 18-20).

Para sa kaligtasan ng bawat tao, hinubad ni Cristo ang pagiging Dios Niya, nag-anyong alipin at nakipamuhay sa mga tao, nangakong itatayo ang Kanyang Iglesia, naipako at namatay sa krus para sa pagkakasala ng mga tao, muling nabuhay pagkalipas ng ikatlong araw, pumailanlang sa kalangitan at umupo sa kanan ng Ama na may pangakong Siya ay muling magbabalik upang kunin ang Kanyang pag-aari (Philippians 2:5-9; Matthew 16:18; John 14:1-3). Sa muling pagbabalik ni Cristo tayo nga ba ay masasabi ba nating tayo ay kasama sa Kanyang mga pag-aari? Tayo nga ba ay naidagdag na sa Kanyang Iglesia? Kung sakaling hindi pa, ito ang payo ng Bibliya; “At ngayon bakit ka tumitigil? magtindig ka, at ikaw ay magbautismo, at hugasan mo ang iyong mga kasalanan, na tumatawag sa kaniyang pangalan.” (Acts 22:16). Tayong lahat ay maaaring makapasok sa loob ng Iglesia ng ating Panginoong Hesus sa pamamagitan ng mga kundisyon at mga prosesong ipinangaral at ginawa ng mga apostol: “…Sapagka't ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo (Galatians 3:26-27)”. Lubos nating pakatandaan na tanging ang ating Panginoon lamang ang Siyang maaaring magdagdag sa atin sa loob ng Kanyang Iglesia: “Nang marinig nga nila ito, ay nangasaktan ang kanilang puso, at sinabi kay Pedro at sa ibang mga apostol, Mga kapatid, anong gagawin namin? At sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo… Yaon ngang nagsitanggap ng kaniyang salita ay nangabautismuhan: at nangaparagdag sa kanila nang araw na yaon ang may tatlong libong kaluluwa… At idinaragdag sa kanila ng Panginoon araw-araw yaong nangaliligtas. (Acts 2:37-47)”

Wednesday, May 6, 2009

Ang Iglesia ng Ating Panginoong Hesucristo (The Church of Christ)

Ang susunod na pag-aaral na tatalakayin natin sa babasahing ito ay tumutukoy sa pagkakatatag ng Iglesia ng ating Panginoong Hesus. Mahalagang maunawaan natin kung kalian at kaninong kapamahalaan naitatag ang Iglesia ng ating Panginoong Hesus upang ito ay maihiwalay natin sa mga ahensiya sa Lumang Tipan at gayundin sa mga relihiyosong institusyon sa modernong panahong ito na itinatag ng mga tao.

Mula sa mga sulat na mababasa natin sa mga talata ng Isaias 2:2-3 at Micah 4:1-2 ating mauunawaan na hinulaan ng mga manunulat nito na ang Iglesia o kaharian ay matatatag sa mga huling araw, sa lugar ng Jerusalem, at ang mga huling araw na tinutukoy ay magaganap sa panahon ng Bagong Tipan (Hebreo 1:1-2; Mga Gawa 2:16-17). Sa mga talata ng Daniel 2:31-35 mababasa natin ang panaginip ni Nabucodonosor na kung saan ito ay naipaliwanag sa Daniel 2:36-45; ang paliwanag sa panaginip na iyon ay nahahati sa apat na kaharian: Una ang kaharian ng Babylonia na kumakatawan sa ulo na dalisay na ginto, ikalawa ay kaharian ng Medo-Persia na kinakatawan ng dibdib at mga bisig na pilak; ikatlo ang kaharian ng Macedonia na sinisimbolo ng tiyan at mga hitang tanso, at pang-apat ang kaharian ng Roma na kinakatawan ng mga binting bakal at paa na isang bahagi ay bakal at isang bahagi ay putik na luto. “Ito ang panaginip; at aming sasaysayin ang kahulugan niyaon sa harap ng hari. Ikaw, Oh hari, ay hari ng mga hari, na pinagbigyan ng Dios sa langit ng kaharian, ng kapangyarihan, at ng kalakasan, at ng kaluwalhatian; At alin mang tinatahanan ng mga anak ng mga tao, ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid ay ibinigay sa iyong kamay, at pinapagpuno ka sa kanilang lahat: ikaw ang ulo na ginto. At pagkatapos mo ay babangon ang ibang kaharian na mababa sa iyo; at ang ibang ikatlong kaharian na tanso na magpupuno sa buong lupa. At ang ikaapat na kaharian ay magiging matibay na parang bakal, palibhasa'y ang bakal ay nakadudurog at nakapagpapasuko ng lahat na bagay; at kung paanong dinidikdik ng bakal ang lahat ng ito, siya'y magkakaputolputol at madidikdik. At yamang iyong nakita na ang mga paa at mga daliri, ang isang bahagi ay putik na luto ng magpapalyok, at ang isang bahagi ay bakal, ay magiging kahariang hati; nguni't magkakaroon yaon ng kalakasan ng bakal, yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahalo sa putik na luto. At kung paanong ang mga daliri ng paa ay bakal ang isang bahagi at ang isang bahagi ay putik, magkakagayon ang kaharian na ang isang bahagi ay matibay, at isang bahagi ay marupok. At yamang iyong nakita na ang bakal ay nahahaluan ng putik na luto, sila'y magkakahalo ng lahi ng mga tao; nguni't hindi sila magkakalakipan, gaya ng bakal na hindi lumalakip sa putik. At sa mga kaarawan ng mga haring yaon ay maglalagay ang Dios sa langit ng isang kaharian, na hindi magigiba kailan man, o ang kapangyarihan man niyao'y iiwan sa ibang bayan; kundi pagpuputolputulin at lilipulin niya ang lahat na kahariang ito, at yao'y lalagi magpakailan man. Yamang iyong nakita na ang isang bato ay natibag sa bundok, hindi ng mga kamay, at pumutol ng mga bakal, ng tanso, ng putik, ng pilak, at ng ginto; ipinaalam ng dakilang Dios sa hari kung ano ang mangyayari sa haharapin: at ang panaginip ay tunay at ang pagkapaaninaw niyao'y tapat. (Daniel 2:36-45)”.

Ang Bagong Tipan ay nagsimula habang ang Caesar ang siyang namumuno sa mundo. Sa mga panahong iyon ay dumating si Juan Bautista na nangangaral sa ilang ng Judea na nagsasabing, mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit (Mateo 3:1-2). Ang Iglesia ni Cristo ay hindi itinatag ni Juan Bautista sapagka’t ipinangaral niya na “ang kaharian ay malapit na”; nangangahulugang si Juan Bautista ay wala sa kaharian (Mateo 3:1-2; Mateo 11:11).

Ang Iglesia ay hindi rin naitatag sa panahong si Hesus ay kasa-kasama ng mga apostol, sa panahon ng Kanyang pangangaral, kundi sa hinaharap na pinatutunayan ng mga sumusunod na mga kadahilanan: 1) si Hesus ay nagwika na ang kaharian ng Dios ay malapit na (Marcos 1:15), 2) ipinangaral din ng mga apostol ang nalalapit na kaharian (Mateo 10:7), 3) itinuro din ng mga alagad na marapat na ito’y ipanalangin (Mateo 6:9-10), 4) ipinangako ni Hesus na ito’y itatayo niya (Mateo 16:18-19), 5) ipinangako ni Hesus na ito ay maitatatag sa henerasyong iyon (Marcos 9:1), 6) makikita natin ang pag-antabay ng mga alagad sa pagdarating nito (Lucas 22:18; 19:11; Marcos 15:43), at 7) sa panahong si Hesus ay pumailanlang paitaas sa langit ay nananatiling hinihintay pa rin nila ang pagdating ng kaharian (Mga Gawa 1:6).

Sa mga talata ng Isaias 2:2-3 isinasaad na ang kaharian o bahay ng Dios ay matatatag sa Jerusalem. Ang hulang ito ni propeta Isaias ay makikita nating nagkaroon nang katuparan sa unang araw ng Pentecostes na mababasa natin sa libro ng Mga Gawa 2. Sinabi ni Hesus na ang kaharian ay darating na may kapangyarihan, at ang kapangyarihang iyon ay dumating kasama ng Espiritu Santo; ang Espiritu Santo ay dumating noong araw ng Pentecostes kung kaya’t masasabi nating ang kaharian ay dumating noon araw ng Pentecostes (Marcos 9:1; Mga Gawa 1:8; Mga Gawa 2:1-4). Ang kautusan ay lalabas sa Jerusalem ayon sa Isaias 2:2-3; ang mga apostol ay inatasang mangaral (Mateo 28:18-20; Marcos 16:15-16) ngunit sila rin ay napagsabihang maghintay sa Jerusalem sa pagdating ng Espiritu Santo na Siyang gagabay sa kanila (Lukas 24:49). Sa atin ngang patuloy na pananaliksik mababasa nating ang Espiritu Santo ng at pangangaral ng Ebanghelyo ay dumating nang araw ng Pentecostes at gayundin ang kautusan ng kaharian ay nagsimula sa panahonh yaon (Mga Gawa 2:31-34, 36-38). Opo mga kaibigan, ang Iglesia n gating Panginoon Hesus o Kaharian ay natatag noong araw ng Pentecostes kung kaya’t pagkatapos ng araw ng Pentecostes mababasa natin ang patuloy na pagpapahayag na ang Iglesia o kaharian ay tunay na naitatag na (Mga Gawa 2:47; 5:11; 8:1; 11:22; 13:1; 14:27; Colossians 1:13; Revelation 1:9).

Sunday, February 8, 2009

Steps of Salvation

Salvation is not simply achieved by saying the sinner’s prayer, it is not done by faith alone, and it does not come from receiving a special revelation directly from God or an angel. Rather, the bible clearly gives us the steps on how to achieve salvation; just before His ascension, Jesus committed His gospel of salvation to men that it might be proclaimed (Mark 16:15-16). In proclaiming this gospel of salvation we must follow the steps given by the scriptures:

1) Hear the Word. So then faith cometh by hearing, and hearing by the word of God”. (Romans 10:17). Today, we have the complete written word so we can know God’s will. God speaks to us through His Word, it is then appropriate for us to hear Him by studying His words and listening to what it wants to say.

2) Believe. And they said, Believe on the Lord Jesus Christ, and thou shalt be saved, and thy house” (Acts 16:31). Faith and belief are commonly interchangeable terms. In the Bible, the words mean not just an acknowledgement but rather confidence, trust, and obedience. Yet faith only cannot save either; “for as the body without the spirit is dead, so faith without works is dead also” (James 2:26).

3) Repent of Sin. Repentance not only requires that we change our attitude about sin but also that we change our actions and walk in the light as Jesus is in the light. Repent ye therefore, and be converted, that your sins may be blotted out…” (Acts 3:19).

4) Confess Christ. That if thou shalt confess with thy mouth the Lord Jesus, and shalt believe in thine heart that God hath raised him from the dead, thou shalt be saved. For with the heart man believeth unto righteousness; and with the mouth confession is made unto salvation” (Romans 10:9-10). Whosoever therefore shall confess me before men, him will I confess also before my Father which is in heaven” (Matthew 10:32).

5) Be Baptized. The bible makes it very clear that baptism, which is water immersion in the name of Jesus Christ for the washing away of sins, is necessary for salvation. And now why tarriest thou? arise, and be baptized, and wash away thy sins, calling on the name of the Lord” (Acts 22:16). The like figure whereunto even baptism doth also now save us (not the putting away of the filth of the flesh, but the answer of a good conscience toward God,) by the resurrection of Jesus Christ” (1 Peter 3:21)

The book of Acts records those who received baptism and they should be sufficient enough to show us the necessity of baptism for our salvation. At Pentecost, 3000 were baptized into Christ (Acts 2:41), in Samaria those who believed were baptized (Acts 8:12); then there was the baptism of the eunuch (Acts 8:36-38), of Paul (Acts 9:18), of Cornelius and his family (Acts 10:47-48), found also is of Lydia (Acts 16: 14-15), and the jailer and his family (Acts 16:33); also many of the Corinthians when they heard, believed and were baptized (Acts 18:8).

The essentiality of baptism for man’s salvation is clearly taught in the bible. The scriptures clearly teach that baptism like hearing the word, belief, repentance, and confession is a part of God’s plan for salvation. …today if ye will hear his voice, harden not your hearts” for “…now is the accepted time… now is the day of salvation”. He that believeth and is baptized shall be saved…” (Hebrews 4:7; 2 Corinthians 6:2; Mark 16:16)

Salvation

Webster defines the word as the act of saving; preservation from destruction, danger or great calamity. Appropriately in theology, the redemption of man from the bondage of sin and liability to eternal death, and the conferring on him everlasting happiness; this is the great salvation. The bible tells us more of a great salvation (Hebrews 2:3). Called to be “great” because it is salvation from sin and from hell and that it is from the Lord, the Son of God, our great God (Hebrews 1:8). This is the main reason why He was sent by God; to save those who believe in Him, in Christ alone and no other else (John 3:16; Acts 4:12). Yes, Christ “has become the author of eternal salvation unto all them that obey Him” (Hebrews 5:9). This salvation is actually given to only those who will obey Christ. Having some doctrinal knowledge of Christ is not sufficient nor making a profession of faith in Him; the bible expressly say that it is through obedience that we receive the salvation that was spoken of the Lord. He is exalted to be a Prince and a Saviour (Acts 5:31), a Prince to rule us and a Saviour to deliver us; He will be a Saviour to only those who will accept him as Prince, and who are willing to be governed by Him; all the rest will be counted as his enemies. To those who will put their faith in Him and obey Him, willing to devote themselves to Him, ready to deny themselves, and will voluntarily take up their cross, and will faithfully follow Him, He will be the author of their salvation (Matthew 16:24; Hebrews 5:9).

Friday, February 6, 2009

The Chosen Few

Now therefore go to, proclaim in the ears of the people, saying, Whosoever is fearful and afraid, let him return and depart early from mount Gilead. And there returned of the people twenty and two thousand; and there remained ten thousand. And the LORD said unto Gideon, The people are yet too many; bring them down unto the water, and I will try them for thee there: and it shall be, that of whom I say unto thee, This shall go with thee, the same shall go with thee; and of whomsoever I say unto thee, This shall not go with thee, the same shall not go. So he brought down the people unto the water: and the LORD said unto Gideon, Every one that lappeth of the water with his tongue, as a dog lappeth, him shalt thou set by himself; likewise every one that boweth down upon his knees to drink. And the number of them that lapped, putting their hand to their mouth, were three hundred men: but all the rest of the people bowed down upon their knees to drink water. And the LORD said unto Gideon, By the three hundred men that lapped will I save you, and deliver the Midianites into thine hand: and let all the other people go every man unto his place. So the people took victuals in their hand, and their trumpets: and he sent all the rest of Israel every man unto his tent, and retained those three hundred men: and the host of Midian was beneath him in the valley. (Judges 7:3-8)

God chooses those who are not fearful and not afraid. God wanted someone who is willing to deny himself and to follow Him (Matthew 16:24). We see Moses’ fearlesness, by refusing to be called the son of Pharaoh’s daughter, he chose to suffer affliction with the people of God, he forsook Egypt and did not take note of the wrath of the king for he set his faith to God (Hebrews 11:24-27). Elijah showed his fearlessness by readily following God. He followed God’s commandment when he was instructed to go by the brook Cherith; there, according to God’s commandments, he was feed by the ravens and he drank at the brook (1 Kings 17:2-6). He then was instructed to go to Zeraphath and there he was sustained by a widow (1 Kings 8:10). He faced four hundred and fifty prophets of Baal with the intention of proving how powerful his God is (1 Kings 18:20-39). In these instances, Elijah feared nothing, not thinking of his food and not even thinking of his safety for he knows and he believed that God is with him and that he will deliver him. Now in the second pace of the selection we can see that God chooses those who will think of service for God more than their own refreshing. God said, “And the LORD said unto Gideon, by the three hundred men that lapped will I save you, and deliver the Midianites into thine hand: and let all the other people go every man unto his place” (Judges 7:7). These three hundred men showed hardness and could endure long fatigue without complaining first of thirst or weariness; they could have refreshed themselves more by drinking but because they chose to serve God they stand on guard and did not think much of themselves. Moses and Elijah thought of serving God more than serving their own selves.

For many are called, but few are chosen (Matthew 22:14). Many are called but only a few deserve to stay; and these few are those who are very much willing to deny themselves, these are those who remain fearless and unafraid in following God, these are those who follow God with their crosses carried on their backs from day to day, these are those who are willing to lose their lives in serving God (Matthew 16:24-25). The chosen 300 are those who defeated the Midianites, and these chosen 300 are those who are not fearful and unafraid and they are those who are excited to serve God. God does not rely on numbers rather He rely much on the worthiness of the chosen few.

Monday, January 26, 2009

Bible

The word Bible came from the Greek word “Biblios” which means “a book”. And because it generally contains God’s Word, it is called “The Book of All Books.”

Though it is perceived that the Bible is compiled as one book, the Bible is composed of 66 individual books which is divided into two major sections, the Old and New Testaments. The Old Testament contains 39 books which is originally written in Hebrew by about 32 men over a period dating from about 1500 B.C. to 400 B.C. The Old Testament records man’s earliest existence and God’s first covenants with man. The New Testament on the other hand contains 27 books which was originally written in Greek by 8 men over a period dating from about 52 A.D. to 97 A.D. This records God’s covenant for man today.

About 40 men wrote the Bible as God’s Spirit directed them (2 Peter 1:21). These 40 men used the words given to them by the Holy Spirit (1 Corinthians 2:10-13; 1 Thessalonians 2:13). With these as proofs, it is safely concluded that the Bible is inspired or God-breathed (2 Timothy 3:16-17; Ephesians 3:3-5). Another proof to be observed is the unity of the bible. A book that was written by 40 men over a span of 1600 years, with these men unable to confer to one another, yet unity very visible within the 66 books. Yes, the writers came from different backgrounds and social levels; they even wrote in different languages and ages yet the Bible is without contradiction. Had the Bible been the work of 40 minds, without the inspiration of God, it would surely be filled with conflicting human opinions. Its unity proves that the bible is from one mind – the mind of God.